Tumbang Preso. Saranggola. Patintero.

Hindi ako ang iyong yupi-yuping lata
Binabato ng tsinelas habang malakas na tumatawa
Gaya ng ginagawa mo sa larong tumbang preso
Para lang ang puso mo ay manatiling maligaya.

Hindi ako ang iyong sira-sirang saranggola
Pinasasalo mo lahat ng suntok ng hangin
Nang sumabit na sa yero, biglang nawala ka
Nalamang ako’y iyo, ngunit ikaw ay hindi akin.

Hindi ito gaya ng larong patintero
Hahabulin mo lamang pag abot ng iyong kamay
Pag ako’y napapalayo, hindi ba maaari?
Umalis ka sa linya. Ikaw naman ang sumabay.

Tunay kong hangad ang iyong pagngiti
Hinding-hindi nanaisin ang iyong paghikbi
Ngunit ako’y larong tila iyo nang pinagsasawaan
Gaya ng lata’t saranggola at patinterong iniwanan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s