Buhok. Buto. Balat.

Isasabunot ko na lang sa bawat hibla ng aking mga buhok
Ang mga bagay na parang hindi mo naman talaga kailanman maaarok
Ihehele na lang ang sarili sa di mabilang na buntong hininga
Kaysa sa pag-unawa sa pagkawari ko ay pinagpipilitan kita

Lahat sa dalawandaan at anim mong buto ay matitibay pa naman
At kay lapit ko na rin, ngunit hindi mo pa rin madatnan
Gusto pang iwasiwas sa mga baging ang talas ng itak
Ngunit nauupos ang sarili, nalulunod sa paglibak

Hindi ako mahusay sa larangan ng pagpiglas sa pagkatali
Magigiliw din naman sa lubid mo na wala namang pasubali
Ngunit dugo ko na, mahal ko, ang umaagos sa iyong mga hibla
Nagsusugatan din ang balat kahit walang sambit na pag-inda.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s