PANGALAN.

Sa gitna ng dalawang nagmamahalan, ako’y namulat.
Dinig ko ang kanilang sambitan tungkol sa pag-ibig sa isa’t isa.
Ang mga plano pag sila’y tumanda na.
Ramdam ang kanilang pagyayakapan.
Ang kanilang pagtatalik. Ang mga halikan.
Hindi ko alam ang aking pangalan.

Ramdam ko ang kanilang mga kamay.
Ang tainga ni itay.
Gusto ko siyang bulungan, “Sa bisig mo ako ay sasampay.”
Sa kanilang pagyayakap ay luha ang kasabay.
Nagtaka ako.
Hindi parin alam ang pangalan ko.

Tuwing mag-isa, umiiyak si inay.
Ramdam ko ang kanyang hapis.
Bawat hikbi ay pagsakal sa aking leeg.
Ngayon pa lang gusto ko na siyang yakapin.
Kausap niya ako.
“Anak” ang tawag sa akin.

Sa araw na ito pinakamalakas ang kanilang paghikbi.
Ang sakit na aking nararamdaman, hindi ko mawari.
Mapait ang aking panlasa.
Hindi makahinga.
Namumulat pa lamang parang lumalabo na.
Wala pa akong pangalan.

Paalam na.

Advertisements

2 thoughts on “PANGALAN.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s