Sa Bus na Walang Kasing Kaladkarin.

Lulan tayo ng bus na walang kasing kaladkarin
Tila’y mababaklas, uuwing buhay kung papalarin
Ingit ng mga bakal at kanyang makina’y maingay
Ngunit sa pagkakataong ito hindi ko nais na mawalay

Walang kasing palad, papano’y ikaw ang katabi
Makakauwi ng maaga, umabot nalang sana ng gabi
Tawanang bumabaha, paulit-ulit na tugtog
Tila paghele sa iyo, sa iyong mahimbing na pagtulog

Dantay ng ulo mo sa hukos kong mga balikat
Halik sa iyong buhok ng haring araw na nakasikat
Ang kalangitan ngayon ay tila ba nagaalok
“Ito’y anghel na pinababa ko para sa buhay mo ay lumilok.”

Kasabay ng kalampag ng mga kahoy na tabing sa bintana
Tumatambol ang dibdib ko, paligid hindi na nga alintana
Hindi makapaniwala sa katuparan ng pangarap
Si kamay mo at si kamay ko, mahigpit silang nagyakap.

Sa iyong pagtulog ano kaya ang panaginip?
Sa paghigpit ng iyong kamay, ako kaya ang iniisip?
Ulo mo’y huwag sanang lumisan sa balikat
Huwag sanang kumalas ang kamay mo sa pagdilat.

Sana’y dumami ang sasakyan sa mga kalyeng daraanan
Sana’y lumiko ang manibela taliwas sa patutunguhan
Ngunit gaya ng lahat ng paglalakbay, kailangang matapos rin
Kinailangan kong lumisan sa bus na walang kasing kaladkarin.

Babay.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s