Multo.

Naglalakad nang matulin
Nilampasan ang paboritong lugar natin
Ni hindi na nga namalayan
Doon rin nangyari ang hiwalayan
 
Naglalakad nang matulin
Wala nang luhang pumapatay sa sigarilyo
Normal na rin ang aking pagkain
‘Di nga pansin soot ko pala ang damit natin
 
Naglalakad nang matulin
Uuwi, matutulog, hanggang sa bagong umaga
Maliligo, gagayak, at mag-aalmusal
Hindi na tinatanong, “Bakit ‘di tayo nagtagal?”
 
Bangkay na rin kasi simula nang mawala ka
Nang ang kahungkagan at ang puso ko ay pilit mong pinag-isa
Ang paglalakad nang matulin ay pagtakbo sarili ko
Dahil sa balikat ko, nakasampay pa ang multo ng alaala mo.
Advertisements

2 thoughts on “Multo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s