Isang Bagsak Lang.

Bago pa man magmaliw itong isang gunita.
Bago pa man mabaling ito sa ibang salita
Ibabakas ko na gamit aking papel at lapis
Ilalakas na rin ang sigaw ng aking pagkabigo at hapis

Bago pa man mawala itong aking galit
Bago pa man malimutan lahat ng pagpapasakit
Isusuntok ko na ang kamao sa aking dingding
Ididilat ko na rin ang mga oras ng aking paghimbing

Bago pa man maubos lahat ng aking mga luha
Bago pa man maupos ang sigarilyo ng mga bigong hinuha
Sa langit ng impyernong pakiramdam ako’y magpapailanglang
Ngayon lang naman ‘to… Isang bagsak lang.

Advertisements

2 thoughts on “Isang Bagsak Lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s