Kahon Ng Mga Sulat.

Nang aking buksan ang kahon ng mga sulat
Sa kaila-ilaliman, galing sayo ang nakalapat
Natabunan ng marami pang sumunod na pagsinta
Nasundan ng marami pang lungkot at pag-iisa

Hinawi ang mga sulat tila mga dahon sa kagubatan
Para matagpuan sulat mong dati’y niluhaan
Nang basahin ang mga letra’y sumilip ang mga ngipin
Naaalala ang ligaya ng lumipas na damdamin

Paghingi ng tawad sa mga simpleng tampuhan
Pagsambit ng mga salitang di maririnig kaninoman
“Nariyan lang sa tabi anoman ang maganap.”
O “Sa bawat sandali ikaw lang ang hinahanap.”

Sa mapait na pagkakataon natapos ang pag-iibigan
Palitan ng sulat bigla na ring nawakasan
Kung pwede akong humiling, hindi ba maaari?
Ang kahon ko ay malagyan ng mga sulat mo… muli…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s