Mayroon akong planeta
Mas malaki sa kaniya ang buwan
Malalaki rin ang mga bituwin
Mag-isa ko silang pinagmamasdan
Mangilang-beses na ring may sumaglit
Sa sarili kong planetang gawa sa pait
Ngunit nananatili lang silang daglian
Bumabalik agad sa mundong sinilangan
Bunutin Mo ang aking tadyang
Gumawa Ka po ng makakatuwang
Sa planetang ako lang ang nakakahinga
Walang eba, walang hayop, ako lang mag-isa.
Advertisements
Gaya ng dati, maganda ang mga talinghaga at metapora. š
Sidenote: Nauunawan ko ang bigat dulot ng pag-alis ng mga tao sa mundong ginagalawan. May pait dulot ng nawasak na pagtitiwala at paulit-ulit na pagkwestyon bakit laging nauuwi sa pagiisa. Ngunit naniniwala akong gagawa Siya ng paraan upang balang araw, lahat ng sakit ng pag-iisa ay maiibsan.
Sana may saysay ang mga nasabi ko š Ingat ka palagi, kaibigan š
Salamat Donna! Patawad sa kabusyhan. Hindi ko na nabibisita ang blog mo. Sana okay ka na. =)