TUROK.

Nang magsimula akong magturok sa ugat ko ng pag-ibig
Nagsimula na ring madarang sa dantay ng iyong ulo sa aking bisig
Sambitan ng pagsinta habang mga ilong ay magkalapit
Mistula langit sa panlasa… Wala ni alat, walang pait.

Nanatiling bukas ang diwa at salat na rin tulog
Sa bangin ng mga bahaghari at paru-paro ay nahuhulog
Kapag sumisinghot ng pag-ibig… walang gutom, walang pagod
Bumubuhos ang mga tula, lapis ay ‘di rin nauupod. 

Dilat ang mga mata… Tungo sa pagkabulag ko na pala
Unti-unti na palang nauupos yung dating ako na ‘yong nakilala
Nalalason na ang utak, hindi na tama ang pag-iisip
Gustong paniwalain ang sarili na isa lang itong panaginip.

Ngayon sa bawat paglingon ay para bang may sumusunod
Ang iniwan mong sumpaan natin parang sasaksak saking likod
Lulong ako sa pag-ibig, wala naman kasi saking pumigil
Ngayo’y patuloy na sa pagturok hanggang ang puso ay tumigil.

Advertisements

2 thoughts on “TUROK.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s