SA DATI MONG TAHANAN.

Mga payo ko sa’yo na iyo namang sinilungan
Ang nagsilbing bubong sa dati mong tahanan
Sumangga sa araw ng nagaapoy na galit
Sumalag sa ulan ng paghikbi at sakit.

Noong ikaw ay nahapo, sinalo ang iyong dantay
Ako’y dingding na sandalan noong ikaw’y nalulumbay
Sinabitan ng mga paborito mong mga larawan
Ginuhitan ng mga pangarap para sa’yong kinabukasan.

Bintana’y ibinukas noong hindi ka makahinga
Dito ka rin tumakas noong pinto’y sinarado na
Hindi ko rin alam kung bakit kita ikinulong
Isa nga yata akong makasariling dingding, pinto, at bubong.

Ngayo’y isang sahig na lang na iyong tinatapakan
Pinapagpagan ng sapatos na lubusang naputikan
Sa iyong paglipat-bahay, iniwan mo akong madungis
Kay dumi ng lahat, hindi mo ako nilinis.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s