LASING.

Lasing ako noon, lasing sa iyong pagtitig
Ang pulutan ko pa nga ay ang lumanay ng iyong tinig
Walang tigil sa pagdaldal, ang utak nati’y bumabaha
Hindi pa nagtatagal, agad ngang sayo’y humanga.

Ilang minuto lang, nagsimula na akong mamula
Hindi dahil sa ilang bote, ngunit dahil katabi kita
Nagsimula na akong mahilo, lumalim ating usapan
Ilang oras na pala ang lumipas, ni hindi ko namalayan.

Maayos sanang nagtapos ang gabi nating iyon
Nakilala kitang lubos sa ganung kaikling panahon
Ngunit sa kalye ng pagsisisi ngayon ay pasuray-suray
Bakit ko ba kasi hinawakan kaagad ang iyong kamay?

Siguro pagkagising mo, sinuka mo lahat ng alaala
Na ininom nating nung gabi na tayo ay nagkakilala
Hindi ko sinasadya, patawarin mo pa sana
Lasing ako noon, wala akong maalala.

Advertisements

4 thoughts on “LASING.

  1. ajaculator

    Hi! I particularly like this poem of yours 🙂 So nice! I just want to ask your permission if I can read it in a Spoken Poetry event? Please? 🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s