UNAN, DINGDING AT HANGIN.

Lubos na pagpapasalamat ang iniaalay ko sa unan
Dahil ang luha ng mata ko ay siya ang inaanuran
Hindi napapagod sa pagsalo sa lahat ng aking hapis
Walang salya ang pagyapos, tinatanggap ako nang labis.

Sa tainga ng dingding ang pag-inda ay umaagos
Mga sumbong ng aking pusong punung-puno na ng mga galos
Kung paano nagkakilala, nag-ibigan, at sabay nangarap
At kung paanong nawala ka hanggang sa dingding na lang ang kausap.

Busog na ang hangin sa mga letra ng iyong pangalan
Sa kasasambit ko nga ang hangin ko’y nabubulunan
Wala naman kasing ibang paraan upang ako’y mapalapit sayo
Kundi ang paligiran ko ang sarili ng mga kataga ng ngalan mo.

Hindi na mag-iisa
Kahit na mawala ka pa
Dahil hindi ako lilisanin
Ng aking unan, dingding at hangin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s