HANGGANG FINALS.

Ikaw na nabigo ni pag-ibig, pagod ka na ba?
Yung tipong pakiramdam mo kapag may dumating na iba
Mauulit lang lahat ng nangyari sa’yo?
Na mauulit lang ang bawat hibla ng sakit na naranasan mo?

Masakit pero totoo. Pero, pwedeng mangyari yun.

Pwedeng yang kasalukuyang iniibig o ang susunod na iibigin mo, iiwan ka rin
Pwedeng yang niyayakap o susunod na yayakapin mo, lolokohin ka rin
Pwedeng ipagpalit ka rin niya sa iba
Sa mas pogi, mas maganda, o kahit sa mas panget pa.

At malamang sa ngayon, pareho niyo pang hindi alam yun.
Na akala niyo kayo lang.
Kayo lang hanggang finals.

Ngunit habang nakikilala niyo ang bawat isa
Habang humuhulas ang lambingan na mayron kayo nung umpisa
Magpapansinan na kayo ng mga kakulangan
Magsusumbatan na kayo ng mga gawaing hindi nasusuklian

Maghahanap na ng ibang kayang pumuno sa puso niyong hindi marunong makuntento.

Pero yun ba talaga si pag-ibig?

Mapaghanap ba talaga siya?

Kapag nakilala mo na talaga si pag-ibig, malalaman mong nakakatanga siya
Yung tipong sinaktan ka na ng mahal mo, pero hindi ka magagalit, mag-aalala ka pa
Yung kahit sugat-sugat ka na, tuluy-tuloy ka pa rin
Na para bang humahakbang ka sa kalye na puro bubog
Makarating lang siya sa tamang pagkaunawa,
Kahit ang mundo mo ay lubusang nadudurog.

Na kahit ilang beses pang sabihin ng mga kaibigan mong, “Ang bobo mo!”
Hindi ka pa rin titigil. Kasi nga… mahal mo.

Badtrip talaga yang pag-ibig na yan. Ang sarap upakan.
Kung tao lang siguro si pag-ibig, baka binugbog na ‘yan ng taumbayan.

Pero ganun ba talaga ka-hassle makilala si pag-ibig?

Kung may lesson number one na ituturo sa’yo si pag-ibig
Iyan ay ang ibuhay mo siya sa pagkatao mo
Na pwede mong ibuhos halos lahat
Pero magtitira ka pa rin para sa sarili mo

Malaki ang tyansa na ang susunod na iibigin mo
Hindi ‘yan ang makakatagpo mo sa finals.
Dahil ang lahat ng bagay ay pwedeng magtapos
Hindi talaga kayo hangga’t hindi kayo dumarating sa kamatayang kayo lang ang mahigpit na magkayapos.

Pano mo mahahanap si tunay na pag-ibig?

Bigyan mo lang siya nang bigyan ng pag-asa.

Sa kabila ng mga sakit na binigay niya sa’yo, siguradong gusto niya ring makabawi
Na nagkakamali man siya, gusto niya rin kung ano ang gusto ng puso mo
Yung pagmamahalang walang pasubali.

Nakakasawang madapa, pero huwag ka sanang mapagod
Nakapagpapatibay ang mga peklat mula sa sugat ng iyong tuhod.

Darating din ‘yan
At pag dumating yun, magpapasalamat ka kay pag-ibig
Dahil masusulit lahat ng pagod mo
Na kahit paulit-ulit ka mang nasaktan noong una
Ni hindi tutumbas yun sa taong mahahagkan mo…

Hanggang finals.

Advertisements

17 thoughts on “HANGGANG FINALS.

  1. Jiorj

    Hi asking for your permission po if pwede ko ba gamitin to as pattern for my spoken words just for school purposes? may babaguhin lang ako ng konti. nainspire kasi ako from your work. (c) for you mr. marupeterhenry waiting for your reply. Thanks!!

    Reply
  2. hannah

    Nakakaiyak po promise… Pwede po bang gamitin po ito para sa performance namin sa room. plss.. I’ll give proper credits… thanks..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s