DAHON.

Mga dahon ng pag-asang unti-unting nalalagas
Dala ng hagupit ng panahon na sa ati’y lumilipas
Tinatangay ng hanging humuhuning hindi ka akin
Patungo sa lugar na ‘di ko pa kayang apuhapin

Kay dami nang sinabi ng mga marahang pag-ambon
Babala sa paparating na malupit na panahon
Ngunit hindi pa rin sumisilong, hindi pa rin natututo
Bubuhos na ang bagyo sa loob na lang ng iilang minuto

Raragasa ang malaking baha, malulunod sa pagbabata
Malalapit sa kamatayan nang hindi mo nahahalata
Aanurin ng mga tanong na dati’y alam na alam ko ang sagot
Ni hindi makakaahon hanggang sa hininga ko ay malagot

May sinag ulit bukas na hahaplos sa aking balat
Lilipas din naman ang mga pagkulog at pagkidlat
Pag dumating na ang umaga, panahon na ng pagbangon
Tutubo ulit ako na mas hitik sa mga dahon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s