PERPEKTO.

Susunduin kita, baka maghintay ka nang kaunti
Darating ako, baka pawisan pa at naiihi
Wala pa akong kotse kaya sa jeep tayo sasakay
Pero sa buong byahe natin, ‘di ko bibitawan ang iyong kamay.

Kakain tayo kahit saan sa may Maginhawa
Tapos magyoyosi habang malakas na tumatawa
Sobrang bundat tayong pareho uuwi
At may mga tinga man, pareho tayong nakangiti.

Ihahatid kita kahit saan ka pa nakatira
Kahit inaantok na ako, baka nga tulugan pa kita
Pero hindi ko gagawin yun hanggat hindi pa kumakalso
Sa manipis ko ngang balikat ang napakaganda mong ulo.

Hindi perpekto ang mga panahong kasama mo ako
Hindi kumpleto ang ako na kakilala mo
Ikaw kasi sana ang pupuno sa aking mga kakulangan
Kaso perpekto ka na. Hindi mo ako kailangan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s