BAGONG SALTA.

Bagong salta ako sa eskwelahan nang kita ay masilayan
Ang tanong ko’y ba’t walang ganyan sa’king probinsyang iniwanan
Dahil lahat ng intindihin ko gaya nang pagbenta namin ng kalabaw
Naglaho na lang bigla nang sa puso ko ikaw ay maligaw.

Napakaswerte ko, nakilala kasi kita
Sakto nag-baby cologne ako. Hindi ako amoy araw at ipa
Naging magkagrupo tayo at nakuha ko yung number mo
Araw-araw “Gudm0wnin guyZ… GM”, pero sinesend ko lang sa’yo.

Lumakas ang loob ko minsan, inaya kita magpansit
Ang galing ko mag-english nun nung sinabi ko, “Tomorrow! My treat!”
Medyo nakakalito lang, kasi nung umoo ka
Kasama ng mga kaibigan mong panget… Medyo tumawa ka.

Pero naghanda pa rin ako sa araw na ating pinagusapan
Sinuot ko yung astig na tribal at dickies na binili ko sa aming bayan
Naghintay nang ilang oras doon sa may pansitan
Pero puro pansit lang ang nakita ko. Di ka tumupad sa’ting usapan.

Doon sa amin, mahalaga yung tapat ka sa’yong sinalita
May respeto sila sa akin. Hindi nila ako tinutuya
Pasensya ka na sakin. Bagong salta na probinsyanong naturingan
Hinding-hindi ako masasanay sa mga Manileña mong galawan.

Advertisements

4 thoughts on “BAGONG SALTA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s