Ikaw yung pinatanggal kong panlabingisang daliri ko sa paa
At nagkakamali ka kung iisipin mong kailangan pa kita
Pero hindi mo maiisip yun. Kasi wala kang utak. Daliri ka lang
Ang alam ko lang ngayon, ay maayos na ang aking paghakbang.
Kapag sumasaya, malaya nang nakakangiti
Maayos na kasi ang ngipin. ‘Di gaya dati, sungki-sungki
Napabunot na kasi kita, ikaw na sumulpot na sobrang pangil
At kung hindi ka siguro tumubo, nakatipid ako marahil
Ikaw yung pampabigat, yung pinahigop kong taba
Mula sa tiyan hanggang sa braso hanggang sa pisnging namamaga
Mas madali na ngayong manamit, hindi na ako nahihiya
Yung mapanghusgang mundo, ‘di na nila ako tinutuya
Wala na ang sobrang daliri, ang pangil at ang taba
Ikaw na mga bahagi ng sarili, tinalikuran ko na nga
Nakatingin sa salamin. Maayos nang tignan ngayon
Pero ang bagong tao kong kaharap…
Parang hindi na ako ‘yon.
I swear I love reading your poems. Sobrang galing mo
Salamat po sa pagtityaga. =)