KUNG GUSTO MO LANG SANA AKO. KUNG GUSTO LANG SANA KITA.

Kung gusto mo lang sana ako
Pinatulan mo siguro lahat ng pagyayaya kong kumain tayo sa labas
Naisip mo na siguro kung gaano kaganda sa litrato ang mga kamay natin na nakabilot sa bawat isa
Sumasagot ka siguro sa bawat text ko at hindi ako ngayon nagkakasya lang sa pagiisip na nakatulog ka lang siguro o ‘di kaya’y naubusan ng baterya
Pero magchacharge ka siguro ng cellphone pag nangyari yun
Kung gusto mo lang sana ako

Kaso parang hindi ganun.

Kung gusto lang sana kita
Hindi siguro magwawala ang puso ko na parang baliw na nakikipagkiskisan sa pawisang madla habang tinutugtog ng Urbandub nang live yung Guillotine kapag magtetext ka ng “Kumusta?”
Hindi siguro ako magmumukhang tanga na kinakausap ang telepono ko at sinasabihan ang conversation thread natin na, “Magreply ka! Magreply kaaaa!”
Tatawagin ko sigurong pagsuko dahil sa kawalan ng pag-asa ang binibigay kong katahimikan na kinakailangan mo ngayon
Hindi siguro kita iniisip gabi-gabi
Kung gusto lang sana kita

Kaso parang hindi ganun lang.

Advertisements

3 thoughts on “KUNG GUSTO MO LANG SANA AKO. KUNG GUSTO LANG SANA KITA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s