KAPAG.

Kapag nabuksan na ang aking balat
Kapag nahawi na ang mga ugat
Kapag tinanggal mo na ang mga laman ko
At nakita ang mga itim ko nang buto
Ibabalik mo pa kaya lahat
Ang mga pira-piraso ko
Ihahabi mo pa bang buo
At ikukulong sa yakap mo?

Kapag nabasa mo na ang lahat
Ng malalagim na kwento sa ‘king nobela
Kapag nalamang minsan din akong kalaban
Ng mga nagbabaitang mga bida
Sasamahan mo pa kaya ako
Sa kwentong ating nililimbag
O sa huling pahinang nakita
Hindi ka na magdaragdag?

Kapag narinig mo na ang mga awit
Na hindi maganda ang tono
Kapag nalaman mo na minsan
Ako’y may pagkasintunado
Sasabayan mo pa kaya ako
Sa pagubos ng hangin sa aking baga
Kakanta pa ba hanggang mapaos
O maghihimagsik na kay tadhana?

Huwag sana.

Advertisements

2 thoughts on “KAPAG.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s