SA WAKAS.

Sa wakas
Yan yung pakiramdam ko nung sinabi mo na
Yung mga katagang matagal nang ibinubulong
Ng mga hindi mo pagkausap sa akin
Ng mga hindi mo pagsagot sa mga tawag ko
Ng mga pagiwas ng kamay mo
Ng mga pagkalimot mo sa mga plano natin.

Sa wakas
Yan yung panahon na gusto sana kitang makasama
Tangan tangan ko ang kamay mo habang kasama ang mga apo nating tumatawa
Yung palilipasin natin ang oras habang pinagmamasdan natin kung paano na tayo pinaglilipasan ng panahon
Hanggang sa araw na wala na tayong pagpaplanuhang bukas
Puro kwentuhan na lang ng noon.

Sa wakas
Yan yung lugar kung saan mo tayo dinala
Yung umayaw ka na kahit gustung-gusto ko pa.

Sa wakas, sinabi mo na rin ang makapagwawakas sa pangarap kong makasama kita hanggang wakas.

Alam ko na ngayon kung saan ako lulugar.

Salamat.

Advertisements

2 thoughts on “SA WAKAS.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s