PANGUNGUSAP.

Kung paanong lahat ng mga malalambing na patinig at katinig
Ay damang-dama kong yumakap sa aking balat
Gayun din nang ako’y itinaboy ng iyong nanginginig na tinig
Nang sinabi mong kalimutan na lang natin ang lahat

Kung paanong ang daluyong natin ng mga kudlit
Ay mabilis na inanod tayo sa may tuktok
Gayun din nang tayo’y gumulong pababa at nasugatan
Gamit ang napakariin mong pagtuldok

Hindi mo maiiwasang lumayo
Kung paanong hindi ko rin naiwasang lumapit
Hindi natin maiiwasang lumipas
Kung paanong hindi natin naiwasang sumapit
Hindi maiiwasang maiyak
Kung paanong hindi natin naiwasang magngitian
Hindi maiiwasang ikubli na lang ang mga taludtod ng pagsinta
At hindi na lang tayo magpansinan

“Kalimutan na lang natin ang lahat.”
Anim na salitang binura ang daan-daang mga pangarap
Handa sana akong magsulat ng isang napakahabang nobela
Hindi ka man lang nagiwan ng isang kumpletong pangungusap.

Advertisements

3 thoughts on “PANGUNGUSAP.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s