AKO NA LANG. AKO NA LANG ULIT.

Ako na lang
Pwede bang ako na lang?
Yung karamay mong mag-isip kung saan kakain?
Yung hinihiling mo nang mataimtim sa iyong mga pananalangin?
Pwede bang ako na lang ang sasama sa’yo kung saan ka man pupunta?
Pwede bang yakap ko na lang yung sisilungan mo kapag sobrang pagod ka na?

Ako na lang ulit
Pwede bang ako na lang ulit?
Yung kasama mong nakangiti sa libu-libong mga mga litrato?
Pwede bang buhayin na lang nating muli yung mga anak nating pinaplano?
Pwede bang ako na lang ulit ang magpapasaya sa’yo kapag pinepeste ka na ng tadhana?
Pwede bang kamay ko na lang ulit ang hahaplos sa mukha mo at papahid sa’yong mga pagluha?

Pero hindi na nga siguro pwede lahat ng iyon.

Kasi may kayo na.

At ako na lang.

Ako na lang ulit.

Advertisements

9 thoughts on “AKO NA LANG. AKO NA LANG ULIT.

  1. Pingback: AKO NA LANG. AKO NA LANG ULIT. | ex273

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s