PARA SA MGA PAALAMANAN NATIN.

Hi.

Para ito sa mga paalamanan natin sa telepono
Na kahit anong “Bye” natin ay hindi matapus-tapos
Nagpapatibayan kung sino ang may lakas ng loob na putulin ang usapan
Para ito doon. Sa mga paguusap nating walang hangganan.

Para ito sa paalamanan natin sa may kanto sa inyo
Sa maliliit na kaway at maliliit na ngiti
Dahil ayaw mong makita sa inyo na hinatid kita at akalain nilang ako ang dahilan kung bakit ka ginabi
Kahit ang totoo ay maghapon lang kitang hinintay dun sa may tabi-tabi
Para ito doon.

Para ito sa paglisan mo nang walang pagpapaalam
Na kung paanong kay bilis mong sumapit ay mas mabilis pa tayong naparam
Para ito sa mga pagpapaalam ko sa’yong hindi mo narinig
Para ito sa huling tawag ko sa’yo sa telepono at sa boses mong malamig.
Para ito doon.

At ngayon tanggap ko na. At totoong-totoo na ‘to.
At kung tatawag ka man, ako na ang magbababa ng telepono para sa’yo.
Huling beses ko nang sasabihin.
Para sa paalamanan natin nung ikaw ay akin.

*Hingang malalim*

Bye.

Advertisements

2 thoughts on “PARA SA MGA PAALAMANAN NATIN.

  1. Potella

    Gusto ko lang magpaalam sa lahat ng ating mga maliligayang sandali
    Sa lahat ng ating pinagsamahan
    ibinigay ko ng buo, walang kapalit na hiningi
    Masakit man pero kailngan ko ng magpaalam

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s