TANGGAP.

Sana nga tulog lang ako
At nahuhumaling sa isang panaginip
Na lumulipad tayo sa ibabaw ng ulap
At tanggap mo ako nang hindi ka pinipilit

Nasa lilim lang sana ako ng aking mga talukap
At hindi totoo ang lahat ng natatanaw
Na kahit gaanong kasamaan ang ipakita
Ang humahanap pa rin sa kamay ko ay ikaw.

Gusto ko kasi sanang matakot
Gusto ko sanang balutin ng kaba
Na maaari ka rin saking mawala
Kapag ang mga kapintasan ko ay niyakap ka na.

Pero inalay mo sakin ang higit pa sa makakaya mo
Lubha mong hinigitan kung anoman ang mga panaginip ko
At kahit ilang beses kong sabihing, “hindi totoo ang lahat nang ito.”
Kakabangon ko lang. Salamat sa pag-ibig mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s