ISA KANG PAA.

Isa kang paa
Noo’y kumakandirit
Paroo’t parito
Hanggang saki’y lumapit.

Ikaw si kaliwa
Ako naman si kanan
Nagsimula tayong maglakad
Anuman ang maapakan.

Bubog, kanin, lego
Balat ng saging, basang semento
Basta’t magkatabi ang ating mga bakas
Isa akong paang nakukuntento.

Pero nagsapatos ka bigla
Hanggang yapak lamang ako
Bumilis ang iyong hakbang
Napagiwanan mo ako.

Sana tanggap ka ng susunod mong kanang paa
Lalo na pag ang sapatos mo’y huhubarin mo na
Hindi ka sana iiwan kahit mabaho ang iyong kuko
Gagawa ng mga bakas na katabi ng sa iyo.

Salamat sa bagong kalyo.

Advertisements

4 thoughts on “ISA KANG PAA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s