KAYA KO PA.

Sige lang
Maglagalag ka
Gawin mo ang lahat ng iyong gusto
Kung kulang na ko para sa’yo
Sige hanapin mo ang sarili mo.

Sige lang
Lumayo ka
Lahat naiintindihan ko
Kung sa tingin mo ang isang relasyon ay binubuo lamang ng mga masasayang alaala
Mali ka
Pero maghihintay ako.

Sige lang
Sumama ka sa kanya
Kung sa ngayon dyaan ka liligaya
Para sa pagbalik mo alam mong hindi ko sinayang lahat ng pag-ibig mo
Sa ngayon, magpaparaya muna ako.

Hindi ako baliw.
Huwag ka saking magtaka
Kaya kong masaktan para sa’yo
Kasi nga mahal kita.

Pero kung may gugustuhin man ako ngayon
Gusto ko nang mapagod maging tanga
Nakakaasar lang

Kasi kaya ko pa.

Advertisements

20 thoughts on “KAYA KO PA.

  1. TJ Mac

    Ang lahat ay may hangganan. O di kaya’y isipin na lang natin na ang bawat bagay ay may kanya-kanyang dapat kalagyan at may kanya-kanyang panahon. Ang bigat naman!

    Reply
  2. Xchaychaii

    “KAYA KO PA” salitang hindi ko mawari ang kahulugan. Hindi ko alam pano at kung ano ang dapat. Kaya ko pa o kakayanin ko pa kaya. Ang hirap pala .. hirap na hindi mo kaya ma explain .. TANGA NAG PAKATANGA AT NATATANGATANGAHAN. madalas mangyari pero ang taning sumbit “KAYA KO PA” 😒

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s