Isang Open Letter para kay Tadhana

Tadhana, kumusta? Isa akong masugid mong tagahanga. As in sobrang fan mo ako. Lagi kong sinusubaybayan ang mga istorya tungkol sa’yo. Lalo na kapag kinukwento ka na ng ibang tao. Sobrang saya nila pakinggan. Gustung-gusto ko rin yung mga pelikulang ikaw ang bida. Yung mga tipong Sleepless in Seattle, Serendipity, You’ve Got Mail, mga ganun. Ang galing mo dun. Sobrang galing mo dun.

Hindi ko alam kung kilala mo ako. Pero para lang matandaan mo, ako yung ilang ulit mo nang pinaglaruan. Oo, “pinaglaruan“ ang gagamitin kong termino at hindi “napaglaruan” kasi feeling ko sinasadya mo na. Kasi nung natuto akong umibig dun na din ako natutong magmura. Kasi sa tuwing ibubuhos ko ang puso ko sa isang tao, bigla-bigla na lang palilikuin mo siya. Palilikuin mo sa daang hindi patungo sakin. Doon sa halik at yakap ng iba.

Pero hindi ako sumuko. Patuloy pa rin akong nagmahal. Yung iba akala ko yun na, pero pinaglaruan mo pa rin ako kahit alam mo naman kung gaano na kami katagal. Sorry ah, pero kailangan mong malaman. Ang sama-sama mo. Wala kang puso. Wala kang awa.

Ginagawa ko ang sulat na ito para malaman mo na ang karamihan sa aming mga pinaglalaruan mo ay mababait naman. Gusto ko ring malaman mo na sawang-sawa na ang mga pader namin sa bulusok ng aming mga kamao dahil wala kaming ibang mapagdiskitahan. Nauumay na ang mga unan namin sa pagsalo sa aming mga luha kapag hindi kami napatatahan. Sana malaman mo rin kung paanong hindi umiikot ang mundo namin kapag napapatagal ang paglalaro mo ng taguan.

Pero alam mo, salamat na rin. Kasi sa mga paglalaro mo, nakikilala ko kung sino ang mga tunay na dapat kong mahalin. May mga taong sandali ka lang iibigin, kapag kaibig-ibig ka pa. Kapag hindi ka mataba. O kapag mataba ang iyong bulsa. Kapag may kinabukasan siya sa’yo. Kapag napapatawa mo siya. Kapag natutupad mo ang kaniyang mga kondisyon. Kapag mapagyayabang ka niya. May mga tao namang hanggang sa dulo nandiyan pa rin. Na kahit anong panget mo na. Na kahit gaano ka pa kawasak. Na kahit gaano pa kasabog ang sarili mo na hindi mo na alam kung paano ka pa mabubuo… Nandiyan sila. Nandiyan sila hindi lang para sabihin sa’yo na “Ayos lang ‘yan.” Nandiyan sila para hatian ka sa sakit mo. Para iluha din ang mga luha mo. Nandiyan sila para samahan ka sa dilim at tabihan ka habang nakabaluktot sa sulok ng iyong kuwarto. Nandiyan sila para tulungan kang isuksok ang karayom sa iyong balat at tahiing magkakasama ang mga pira-piraso mo. Nandiyan sila.

Tadhana. Tagahanga mo ako. Dahil sa’yo, nalaman kong ang tanga-tanga ko. Nalaman kong hindi sapat ang pangarap na bahay. Na hindi sapat ang planong bilang ng mga anak. Nalaman kong hindi sapat kahit ibigay mo na ang lahat-lahat. Nalaman kong hindi sapat ang pag-ibig. Kailangang pumayag ka muna.

Tadhana, salamat sa mga paglalaro. Marami akong natutunan. Pero nakakarami ka na rin. Baka naman pwedeng makiusap. Pwede ba, ngayon, magseryoso ka na sakin?

Advertisements

62 thoughts on “Isang Open Letter para kay Tadhana

  1. Diwata

    Very raw and from the heart…

    Parang nalito ako, may pag kakaiba ba yung “pinaglaruan” sa “napaglaruan”? Parang pareho lang ata eh…

    Reply
      1. Aries Rebusa Ocampo

        helo po? sir i would like to ask permission to post this on my FACEBOOK acct. kasi if im going to post the link, not many of my friends on FB can read this because as we all know some of us using FREE DATA on FB. So i copy paste this but will attached the link and CREDIT THIS TO YOU. Napaka relevant sa tunay na buhay specially kaming mga umaasa na darating si TADHANA kahit minsan lang ay maranasan ang TADHANA .

      2. Eulah Araullo

        Hi! I’m Eulah Araullo of Assumption College, Makati. Sobrang natuwa at natamaan ako sa piece mo. Is it okay if I use this piece for our film class? We’ll credit you po! 🙂

    1. Privatekwatro

      hindi pareho yun, ang pinaglaruan ay sinasadya o paulit ulit na nagyayari at ang napaglaruan hindi sinasadyang gawin

      Reply
  2. Makoy Nasser

    Hello po. Pwede ko po bang mahiram ito para po magtanghal ng isang spoken word poetry sa school namin?

    Reply
  3. Generose Marfel

    Hello po. Pwede ko po mahiram ito. Gagawa po ako ng video then iaupload ko po sa fb. I will give credits naman po sa inyo. 🙂

    Reply
  4. Angela Pioquinto

    Hello po, pwede ko po bang hiramin? Buwan ng wika po kasi namin kailangan namin nang spoken poetry ehh..

    Reply
  5. kwela koala

    Nag susumamo ako Mr. Henry, maari ko bang gamitin itong tulang ito para itanghal sa aking mga kaklase at pamilya.

    Reply
  6. Rolyn Rapanan

    This just hit me right in the feels. The emotion is overflowing I can’t fathom. You the best writer, Sir! Thumbs up po. 🙂

    Reply
  7. Johnmer Valdez

    sir hingi lang po ng permission.. kung pwede po hiramin ung mga words dyan for project sa mapeh. about editing 🙂

    Reply
  8. Mae Barela

    Ang galing nyo po at ang bait pa, hehe may assignments din po kami tungkol sa spoken words, nung nabasa ko po ito na inspire po akong gumawa ng akin, pero hindi po kagandahan tulad ng inyo, Sana may mabasa pa ako tulad ng ganito na gawa nyo po. 🙂 God Bless po 😦

    Reply
      1. Jhamiefha Chua salig Bagumbaran

        Hi Pohh!! Pwede k p ba ito hiramin para Presents k sa Skul namin POhh? kung pwede lng Poh?

  9. wonderlost

    Good day po! Pwede po bang mahiram itong piece nyo po para sa performance ko po sa room? I’ll give proper credits po. Please, thank you 🙂

    Btw, sobrang gaganda po ng mga piece niyo ❤

    Reply
    1. Maen Alecci C. Jerez

      5 times ko na nabasa ..but it feels like reading it the very first time ule. with all the emotions steering you me..haha

      Reply
  10. Kat del Rosario

    Hi po,I am very touched sa poem nyo po.sobrang relate..pwede ko ba siya gamitin sa video pero I’ll give credits po sa kanila.thank you so much..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s