CHAMBA.

Kay daming posibilidad
Ng mga daang pwede nating nahakbangan
Pwedeng sa ibang paaralan ka napunta
Pwede ring hindi na ako nagtapos
Pwedeng magkaiba ang mga kurso natin
Pwede ring magkaiba ang sinasampalatayanan nating Diyos
Pwede namang hindi na nagkatinginan ang mata nating dalawa
Pwede ring naduwag na lang ako at nawala noong gustung-gusto na kita.

Kaso hindi

Sa kani-kaniyang paghakbang natin
Nagtagpo tayong dalawa.

At sa unang pagsasalit-salit pa lang ng ating mga daliri
Sa unang pagpapalitan pa lang ng pawis ng ating mga palad
Alam ko na agad kung hanggang saan kita sasamahan
At kahit saan ka humakbang, ang kamay mo ay hahawakan.

Kay daming posibilidad.

Pero na-chambahan pa rin kita.

Sobrang malas ko na lang talaga siguro

Kung sa dulo ay bibitiw ka pa.

Advertisements

9 thoughts on “CHAMBA.

      1. Wilson Espinosa

        Sir pwede ko po bang gamitin itong tula niyo para sa aking talent portion sa isang pageant?

  1. Jugadoroland

    Idol pwedi ko ba dugtungan mga Tula nio po kasi po broken hearted ako ung iba po relate ako idol na po kita matagal na po

    Reply
  2. Jugadoroland

    Tska pa add nalang po sa fb para makapagusap po tayu kasi po may request ako na Tula at kau po magsusulat nun ako magbibigay po ng title idol ko

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s