PANSAMANTANGA.

Di mo pa man nasasabi
Damang-dama ko na
Wala pa man sa iyong labi
Pero isinasampal mo na
Ang matatalas na salita ng mga hindi mo pagkibo
Sa tuwing tinatanong ko sa’yo kung kailan kayo hihinto

Pagod nang maglakbay ang aking mga luha
Mula sa aking mga mata hanggang sa mag-isa kong tinatapakang lupa
Pagod nang humakbang ang aking mga paa
Papalayo sa sarili ko
Papalapit sa mga ipinipilit mo

Lumaya ka sa akin
Para ikulong ako sa’yo
Sige lang
Kakayanin
Ngayon lamang naman ito

Pansamantanga.

Advertisements

18 thoughts on “PANSAMANTANGA.

  1. Jerico Dagoc

    Pa feature naman po ng contest piece ko thank you! ๐Ÿ™‚

    BAKIT DALAGA PA SI MAโ€™AM

    Unang araw ng eskwela talagang nakakapagtaka
    Bakit kaya miss pa rin ang tawag nila sa kanya
    Hindi naman na siya bata para isipin na isang dalaga
    Dahil nakasuot na siya ng makapal na antipara

    Kaya akoโ€™y nagtaas ng kamay at nagtanong sa kanya
    Ma’am bakit wala pa po kayong asawa? Eto ang sagot niya:

    Sabi nila kung meron daw taong pinakatanga ako na yung dakila
    Pwede na nga raw akong gawan ng rebulto sa gitna ng EDSA
    Alam mo kung bakit? Naghihintay pa din daw kasi ako sa taong malabo ng bumalik
    At sa araw-araw ako ay nanabik sa kanyang pagbabalik

    Kaya lumipas man ang araw at dumating man ang buwan
    Kahit ang kanyang pagdating ay wala mang katiyakan
    Ang kanyang pangako ay patuloy ko pa ring panghahawakan
    At ipagdarasal na sa huli kamiโ€™y muling magkikita kung saan niya ako huling iniwan

    Sabi nila kung meron daw taong pinakatanga ako na yung dakila
    Pwede na nga raw akong gawan ng rebulto sa gitna ng EDSA
    Alam mo kung bakit? Umaasa pa din daw kasi ako na ikaโ€™y babalik
    Nag-aabang sa pintuan na parang tuta at sabik na sabik

    Dumaan man ang taon, marami mang masayang na pagkakataon
    Hindi pa rin magbabago ang paniniwala ko dahil sa lahat ng tao ako mas nakakakilala sayo
    Nung mga bata pa tayo ikaw kasi yung hindi sumisira ng pangako
    Kaya ang aking pag-ibig ay sa iyo lang nakatuon
    Sabi nila kung meron daw taong pinakatanga ako na yung dakila
    Pwede na nga raw akong gawan ng rebulto sa gitna ng EDSA
    Alam mo kung bakit? Nag-aabang pa din daw kasi ako sa taong matagal ng nakalibing
    At ang kanyang mukha ay makikita na lang na nakasabit sa dingding.

    Nawala man siya sa mundo, sa kabilang buhay siya pa rin ang pipiliin ko
    Dahil siya yung taong tumutupad ng pangako
    Pinaglaruan man kami ng tadhana, alam kong may plano ang bathala
    Naniniwala ako na kami ay muling magtatagpo

    Lahat natahimik pagtapos ng talumpati walang maririnig kundi mahihinang hikbi
    At nung kami ay tumitig siya ay biglang ngumiti, at marahang tumikom ang kanyang mapupulang labi
    Yun ang una at huling beses na nakita naming umiyak si Maโ€™am, habang kaming mga bata ay walang kaalam-alam
    Hindi man namin alam ramdam naman namin ang dalamhati ng gurong nagdaramdam

    Bigla ko tuloy naalala ang kwento ni itay tungkol sa bababe bago kay inay
    Bumihag ng puso nang batang itay, isang dalagang taga-barangay
    Ito raw yung unang niyang pag-ibig, kaya noon ang pangalan ng dalaga ang bukambibig
    Ngunit ngayon patay na si itay hindi niya na makukuwento ang dalagang si inday

    Pero kung papapiliin si itay sa pagitan ni inday at inay,
    baka balikan niya si inday
    Alam mo kung bakit? Si inday daw kasi yung taong marunong maghintay
    Kahit gaano man katagal o gaano man kalayo hindi raw ito maglalaho

    Bigla akong sumabat at tinanong si itay
    โ€œNa saan na po si inday?โ€
    Ang sabi ni itay naging guro daw si inday

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s